MGA KURSONG INGLES SA LONDON

MGA KURSONG INGLES SA LONDON

Mahalagang gabay ng mga kurso sa Link School – Kaalaman ukol sa mga klaseng ingles sa Link School of English in London

 

Studenci weekendowych kursow angielskiego w Londynie w szkole jezyka angielskiego Link School of English. Uczniowie w klasie ucza sie z podrecznikow, usmiechaja sie i rozmawiaja po angielsku

Szkola angielskigo Londyn

PAARALANG INGLES NA MAY MAHUSAY NA REPUTASYON

Isang Kaaya-ayang Paaralan ng Wikang Ingles sa London

Ang Link School of English ay isang kaaya-ayang paaralan ng wikang Ingles, na matatagpuan sa Ealing, West London. Sa Link School of English, nauunawan namin na ang kahusayang magsalita ng wikang Ingles ay mahalaga para sa propesyunal na kaunlaran, pakikisalimuha, at sa pang-araw-araw na pamumuhay, lalo na kung namamalagi o nagtatrabaho ka sa lugar na Ingles ang pangunahing wika.
Sa aming paaralan, tintutulungan naming paunlarin ang kakahayan at tiwala ng bawat mag-aaral sa pakikipag-usap o komunika sa wikang Ingles. Ang mga klase namin sa Ingles ay mabisa, kapaki-pakinabang, at masaya. Ang lahat ng klase ay pinapatakbo ng mga gurong propesyunal na kwalipikadong may antas na degree.



Maliit na pangkat, propesyunal at magagalang na mga guro, magiliw na kapaligiran

 

ANG MGA KURSO SA LINK SCHOOL AY PARA SA:
  • mga indibidwal na nais magkaroon ng kumpiyansa sa pagsasalita sa Ingles
  • mga nangangailangan ng Ingles para sa trabaho, sa paglalakbay, at pagpapakilala sa ibang tao
  • mga taong gumagamit ng wikang Ingles pang araw-araw
  • mga nangangailangan matuto ng Ingles nang mabilisan para sa trabaho o pag-aaral
  • mga bumibisita sa London at nais matutunan ang wikang Ingles at makita ang lungsod
  • mga taong gustong tumira sa London at nangangailangang matutunan ang wikang Ingles
  • mga taong naghahanap ng kaaya-aya at masayang kapaligiran kung saan pwede silang makapag-aral ng wikang Ingles

MAG-ARAL NA SA LINK SCHOOL AT MAGKAROON NG KUMPIYANSANG MAGSALITA SA INGLES!

MGA RESULTANG PWEDE MONG ASAHANG MAKAMIT MULA SA MGA KURSONG INGLES SA LINK SCHOOL OF ENGLISH:
  • Mas mabilis na pag-unawa sa mga sinasabi ng ibang tao
  • Mas madaling pagpapahayag ng sariling damdamin sa mabilis at tamang paraan
  • Mas malawak na talasalitaan o bokabularyo
  • Lumabas na may kumpiyansa dahil sa iyong kahusayan sa pakikipag-uusap sa Ingles
  • Mas madali at masayang kalagayan sa bahay at sa trabaho
  • Pagbukas ng mas maraming pagkakataon sa trabaho at sa pakikipag-kaibigan sa kahit saang lugar.

MAGPAREHISTRO NA


PARANGAL NG AMING MGA MAG-AARAL

Ang pinaka-mainam na katiyakan ng aming kahusayan ay ang kasiyahan ng aming mga mag-aaral. Ito ang kanilang mga testimonial para sa Link School of English:

“Pumunta ako dito para matutunan ang wikang Ingles, at para maging waiter. Sa susunod na linggo, magtatrabaho na ako bilang waiter sa St. Paul’s. Napakasaya ko dito sa London, maraming oportunidad dito para sa amin.” -Adria mula Spain, Nobiyembre 2013

“Mahusay, mabait, at may kasananyan ang mga guro sa paaralang ito.” – Mag-aaral, Academic IELTS course

“Nais kong makapag-aral dito muli. Mabilis akong natuto, at maliliit ang mga pangkat o grupo.” –Mag-aaral, Elementary Course


EPEKTIBO AT MASAYANG MGA KLASENG INGLES PARA SA MGA NASA GULANG NA EDAD

  • General English (Karaniwang Ingles) – Magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay
  • Conversation Classes (Klase sa Salitaan / Pag-uusap) – sasanayin kang magsalita sa wikang Ingles
  • Academic English (Pang-Akademiko) – Paghahanda para sa pagsusulit sa IELTS
  • Exam Preparation Courses – Kursong Paghahanda para sa pagsusulit ng FCE, CAE, CPEs
  • Business English – Wikang Ingles para sa Pangangalakal / Wikang Ingles para sa Negosyo
  • Medical English – Wikang Ingles para sa Kalusugan / Wikang Ingles para sa Medisina
  • Aviation English – Wikang Ingles para sa Aviation
  • English for Job Interview – Wikang Ingles para sa Panayam sa Trabaho
  • Individual Lessons – Pansariling Aral
Individual Lessons – Pansariling Aral

ORAS O PANAHON NG MGA KLASE

Sa Link School of English, mag-aral ka ng wikang Ingles kung kalian mo gusto – mamili kung sa umaga, hapon, gabi o tuwing Sabado at Linggo (Weekends).

MASINSINANG KURSONG INGLES:

  • Lunes hanggang Biyernes, 9.30 nu (ng umaga) – 12.30 nh (ng hapon) – General English Classes (Pangkaraniwang Klaseng Ingles / 15 na aralin bawat linggo)
  • Lunes hanggang Biyernes 1.30 nh – 4.30 nh – English Conversation Classes (Pakikipag-usap o Klase sa Salitaan/ 15 na aralin bawat linggo)

Ang aming matindi (intensive) at sobrang tinding (super-intensive) mga kurso ay maaaring umpisahan sa Lunes ng kahit anong lingo, at pwedeng maganap sa pagitan ng isa (1) hanggang 48 na linggo.

Magclick dito para makita ang halaga or presyo at mga bayarin para sa mga kursong Ingles

PANANDALIANG MGA KURSO:

  • Lunes, Miyerkules, Biyernes 7 – 9 p.m.
  • Martes, Huwebes 7 – 9 p.m.
  • Miyerkules o Huwebes 7 – 9 p.m.
  • Weekends (Sabado at Linggo)



Magclick dito here para makita ang mga presyo o halaga at bayarin para sa aming Klase sa Gabi
Magclick dito para makita ang mga presyo o halaga at bayarin para sa aming Klase sa Linggo

Magclick dito para makita ang mga presyo o halaga at bayarin para sa aming Klase sa Linggo


PAANO MAGPAREHISTRO

Maaari mong umpisahan ang iyong pagrehistro sa personal o online.
Para umpisahan ang online registration o kung ikaw ay may tanong, pakikumpleto ang form sa ibaba.
Para makapagparehistro sa personal, mag-ayos ng appointment at kumpletuhin ang form sa ibaba o tawagan kami sa

+44 203 5815 806
+44 7742 207 304


Ealing House
33 Hanger Lane
Ealing Broadway
London, W5 3HJ, UK

Para kumpletuhin ang pagparehistro, kakailanganin mong:

– kumplethin ang registration form
ID
– sumagot ng antas na pagsusulit para malaman ang tamang grupo o pangkat para sa iyo
– bayad (cash, card, bank transfer, PayPal)

CONTACT FORM


Maaari mo kaming bisitihan sa personal. Ang aming opisina ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 11am – 7pm, at bawat pangalawang Sabado 12pm – 4pm. Posibleng sarado ang pinto sa harap tuwing gabi at tuwing Sabado – pakitawagan ang +44 7742 207 304 para makapasok.

MAGPAREHISTRO NA

MAAARI NAMING AYUSIN ANG MATUTULUYAN MO SA LONDON PARA SA IYO
Pwede kang mamili ng family stay (Host family), Bed & Breakfast, hotel o hostel.
Para makita ang mga presyo ng mga pagpipilian na ito, magclick dito


MAAARI NAMING AYUSIN ANG IYONG PAGLIPAT MULA AIRPORT

– Para makita ang mga presyo o halaga at bayarin ng mga pagpipilian na ito, magclick dito:

MAS MADALI ANG BUHAY KAPAG MARUNONG MAG INGLES